$poken in Dollar

Sachi's Blog For English Speakers

Thursday, July 31, 2008

Tang Orange yan o.

Kakasulat ko lang na gustong-gusto kong pumasok sa part-time ko, tapos biglang hindi ako nakapasok. HAAAYUUUUP, wala talagang pag-asa ang traffic pag umuulan. Umalis na ako ng super aga (as in hindi na ako nakatulog ng hapon), WALA, nabiktima pa rin ako.

Ang klase ko sa gabi ay 730-930. Usually, kapag umalis ako ng 545, super aga ko pa ring makakarating. Kahapon, dahil nga inanticipate ko nang maloloka ako sa trapik, mas maaga akong umalis. As in kakalokang aga. Mga 445. Kapag maaga ako, eh di tambay sa Harrison Plaza.

Paglabas ko ng bahay, umuulan pero maayus-ayos ang traffic sa Pinaglabanan. Nakasakay ako ng bus around 455. Nakatayo ako sa bus. Pagdating sa Agora, maraming bumaba, so nakaupo ako. Madalas talagang moderately heavy ang traffic sa part na yun, kaya understand me. In five minutes naman, nakaalis na kami sa Agora. Bayad muna ako, tapos tulog.

Mga five minutes pagkatapos, naramdaman kong hindi gumagalaw yung bus. Nasa SM Sta. Mesa/V. Mapa station na kami. Understand pa rin. Tulog ulit.

Napahaba at napalalim ang tulog ko. Nung naalimpungatan ako, nasilip ko sa bintana na madilim na. I woke up with a start kasi akala ko nakalagpas na ako.

Tang orange grape guyabano pomelo. NASA STOP AND SHOP PA LANG KAMI. Pagtingin ko sa celly time ko, 555 na. Ay ta. Umalis ako nang maaga kasi inanticipate ko ang traffic sa TAFT. Hindi na nga ako nag-LRT para maiwasan ko ang Sta. Cruz at ang baha sa Vito Cruz. Lecheng hayup yan, kung nag-LRT pala ako at least man lang nasa Sta. Cruz na ako. Bongga ang 600 na nakatengga sa Stop and Shop!

Napamura ako. Nagulat ata yung katabi ko kasi yun yung unang word na na-utter ko paggising.

Sa sobrang kaba ko na ma-late, hindi na ako natulog. Wah. Syet.

My GAWD. Hindi na talaga gumagalaw pagdating sa Altura! Syet, syet syet! Natapos na ang Gobingo, 24 Oras na. Tang ina, 3 inches every four minutes!

635, na-cross pa lang namin yung bridge from Altura to Pureza. Worried na talaga ako. My gosh! 55 minutes na lang till my class.

And when that wasn't bad enough, SUPER BAHA. As in hanggang sidewalk. So hindi ako makakababa to lipat to LRT. SHIBAL. Tinext ko na yung landlady ng student ko na 8 na kami makakapagsimula.

650, nakaahon pa lang kami sa baha. Saktong tapat ng LRT Pureza, kaya kahit bayad na me hanggang Taft, bumaba na ako.

AT PAKSHET. Ang haba ng pila. Puro coins. FUCK.

Bumaba na lang ako at nilakad hanggang Sta. Catalina. Time check: 710 Sumakay ako ng jeep to Quiapo. Mabilis-bilis naman...until Quiapo. Which is understandable. Nilakad ko hanggang Quiapo Church para sumakay ng Baclaran.

At Mirmo de Pon, hindi rin gumagalaw ang sasakyan. At puno pa ang lahat ng jeep. Time check: 725.

HOPELESS FUCKING CASE.

Bunot naman me ng celly para magcancel ng class. SHIIIIT OF ALL SHITTTTTSSSSS, DEAD AMPOTANG ORANGE NA CELEPONO! WTF?!

So. Takbo ako sa sakayan ng jeep papuntang San Juan. Nakasakay naman ako agad. Natulog ako pagkatapos magbayad.

zzz...

zzz...

zzz...

DRIVER: *kalabit*

SACHI: Huh?

DRIVER: Saan ka ba?

SACHI: *nasa dulo na pala ng ruta, shiiiit* Ay, sorry po. *baba*

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH.

Nakarating ako sa bahay ng 847. Saksak phone, text landlady.

Bwisit. Sinusumpa ko ang lahat.

Wednesday, July 30, 2008

Kung bakit kahit walang tulog ay pumapasok ako sa part-time ko.

Syempre adik na ata ako sa pagtuturo ng English sa mga Koreans kaya yung fulltime at part-time ko ay parehong pagtuturo. Yun nga lang, yung fulltime ay phone english at yung part-time ay "man-to-man" (yun yung tawag ng mga Koreans sa person-to-person/ face-to-face /classroom/one-on-one teaching as opposed to phone or online). Mukha rin akong pera, at lucrative naman siyang trabaho kaya GO lang.

Marami actually akong funny moments with my student sa part-time job ko. Lam mo naman, pag nagtuturo ng foreign language, laging may mga blunders na lilitaw. Nakakatawa, pero hindi lang yung mga bloopers ang kyut. Pag may mga topic kayong strange, kaabang-abang yan. Tapos minsan, tungkol siya sa Tagalog kaya kapag natawa ka, di gets ng student mo kung anong kumiliti sa keps mo at hagikgik ka ng hagikgik.

Kunyari, pronunciation drill. Ang lesson namin ay yung sound ng e as in egg. Sa drill namin, pinapabasa ko yung word, tapos he has to point out where the sound is.

TEACHER: So where's the e sound in 'impeccable'?

STUDENT: impeccable...impeccable...im...pec..impeccable...peccable...TEACHER! Pec! Pec!

Parang gusto kong sabihin, "Haha, wala ka nun no!" Hehe. Maraming mga ganyan, mga super suggestive words sa pronunciation drill. Hahahaha.

Siyempre ang loser ko magkwento. Ako lang siguro humahagalpak sa tawa nito.

Kagabi, ang topic namin ay tungkol sa childhood memories. Nung grade six daw siya, ang comment daw sa kanya ng teacher niya: "This boy is sincere and active, but he is useless."

WAW, ang mean ng teacher! Eh di pina-explain ko sa kanya kung ano ang meaning ng useless. Mahilig daw siya magsabi ng mga walang kwentang bagay sa klase. So useless nga. Walang kwenta. Syet.

Ito yung kwento niya tungkol sa English class niya nung high school. Ang system nila kasi, tatawag ang teacher ng student para mag-translate ng isang paragraph, tapos yung student naman ang magtatawag ng iba to translate the next paragraph. Sasabihin ng teacher dun sa translator number one: 시키다 (order, command).

Yung student ko, pinaghandaan talaga niya yung moment na yun. Minake-sure niya na siya yung tatawagin ng teacher.

STUDENT: *translatetranslatetranslate*

TEACHER: 시키다 .

STUDENT: Pizza, please.

Tang oren, ORDER nga naman. Syet. At in fairness bumenta yung joke saken ha.

Kahapon nga pala, nagre-research ako tungkol sa isang Japanese band called "UVERworld". Sila yung kumanta ng D-technolife sa Bleach. Shite, kamukha nung studyante ko yung vocalist. Hahaha. La lang.

Sunday, July 27, 2008

Ang Bonggang-bonggang Weekend Ko. Baw.

Nung Saturday, bigla ko lang naisip na waldasin ang perang pinagtrabahuhan ko ng dalawang mahahabang linggo at pumunta ako sa DIVISORIA pagkatapos ng raket ko. Bakit DIVISORIA? Kasi bonggang kuripot din ako, belat.

Sabi nga nung kaibigan ko, i-enjoy ko daw ang pagiging lumpen para mas ma-appreciate ko ang pagiging burges. Hihi. Sa sobrang enjoy ko sa pagiging lumpen, naiwan ko ang celepono ko sa bahay at dumating sa raket ko five minutes early. Hahaha.

So! Nakabili ako ng 2 tops (150 each=300php), 1 purple skinny jeans (170php), 1 skinny slacks (200php), 1 brown leggings (150). Mwahahaha. O dibs, bonggang new wardrobe for less than a thousand pesosesosesoses. Waii. Bibili pa sana ako ng dollshoepatoses na red, kaso walang kyut. Neks taym na lang, pag mayaman-yaman na ako ng konti.

Pag-uwi ko at pagkabasa ng mga mensahe, napag-alaman kong pinasususnod na pala kami ng kapatid kong kulot sa Sofitel Philippine Plaza. Huwaw! O sige, bigay kayo ng mas lumpen level bongga pa diyan! Libre overnight stay sa isang corner suite at may breakfast buffet for two pa! AWARD!

So, syempre, kaming mga pureza station, happy kami kasi makakanood kami ng cable TV! Buong gabi, nanuod lang kami ng cable. Wag ka, DALAWANG flatscreen TVs ang nasa suite namin, isa sa bedroom at isa sa living room. Siyempre ang tambay ko dun sa bedroom, higa pa moi sa divan kasi ayaw pa ipagalaw ng mader ketch ang malaki at malambot na kama kung saan mae-enjoy mo ng todo-todo ang pagkakachak. Di pa daw niya kasi napipichuran. So, nood ako ng favorite cable channels ko: KBS, NHK, Lifestyle Network. Ahoy! Nakanood ako ng SPONGE sa KBS! My favorite show kung saan may mga trivia silang tinatalakay tulad ng pag-ikot ng bawang sa microwave, pagbubukas ng canned sopdrink na naalog na at hindi sya bubula na parang uminom ng Baygon, pagpapatulog ng iguana, etc. Hindi ganoon ka-interesting ang topic nila this week. May list of secrets sila about a restaurant sa Korea:

5. Ang QA chef ang nagchecheck ng hitsura ng pagkain bago i-serve. Shet, astig, kabisado niya ang exact hitsura ng over 50 dishes sa menu! Nung tinest nga nila ang ability ni QA chef by spot the difference, aba ang galing nga! Ultimo yung position ng lettuce sa clubhouse sandwich kelangan tama! AWARD for OC-ness!

4. Ang lighting ay dapat 75 cm from the table. Para kaaya-aya ang hitsura ng fudang.

3. Ang restaurant ay nagbibigay ng bread for FREE! Ang test nila dito: may four customers, ang order lang nila ay soup. Tapos hingi sila ng bread. Hingi pa uli. And more. Isa pa. Syet, unli talaga! Yung stack nila ng bread baskets kasing taas na nung table! Ayus! Pagdating ng bill, ABA, libre nga! Yung soup lang yung binayaran nila! Ang bread daw kasi ang symbol ng greeting ng mga employees sa mga customers. O dibs, bongga! Sana may ganyan din dito sa Pinas. Lalo na ngayon, mahal ang bigas. Hahaha. Alternative sources of fuel!

2. Ang seating arrangement (particularly for couples) ay isang sixth sense na nade-develop ng mga employees.

1. Nalalaman ang pagkaluto ng steak (rare, medium rare, medium, medium well, well-done) by pressing the meat! Kelangan ma-compare mo siya sa kalambutan ng iyong palad. Ang galing ni QA chef!

Ayun lang. Yung ibang part, tungkol sa mga stupid moments ng mga criminal. At this point, nagsoak na lang ako sa bonggang bathtub at feeling ko onsen ang kinalulubluban ko. Hehe adik. Pagkalabas ko, nanood na lang ako ng NHK at ang palabas ay MusicJapan! Yay! Ang mga guests ay Mr. Children, Park Yong-Ha, Funky Monkey Babys, TVXQ/DBSK/Tohoshinki (BONGGA!), Tenshima Aoi, Oohashi Takuya, BRIGHT, DOES at COLOR. Quite enjoyable. ^^

Nakatulog ako sa sofa sa living room. Waaah! Di ko nahigaan ang kamang masarap sa likod! Oh man. Di bale, pag may kasama na akong boylalah na mayaman, masusubukan ko rin ang tibay ng kamang yan.

Kinabukasan ng morning, nag-breakfast buffet kami ng mudrah ko. Yung dalawa kong kapatid na maliliit ang bituka, pinaroom servide na lang namen. AWARD ang breakfast buffet! International! Ito ang mga nilafang ko:

CHINESE: Shrimp congee, seafood noodles

JAPANESE: Miso soup (with tofu and seaweed), maki, natto

KOREAN: Kimchi

WESTERN: Pizza, Smoked salmon, smoked tuna and tangigue, monte cristo bread, iba-ibang cheeses (gruyere, edam, caprice, etc.), black forest ham (waaah! nasira ang no-pork diet ni ako!), low-fat muesli with banana yogurt and mixed fruits (apple, kiwi, peach, pear, lychee), koko krunch and cornflakes with milk

DRINKS: cucumber juice, grapefruit juice, hot chocolate, tubig

Bawing-bawi ang isangg linggong fasting. hahaha. Alam ko may mga kinain pa akong iba, hindi ko lang maalala eh. Basta ang tsalap!

Dapat magrarangi-rangi kami sa ishwiming fool nila, subalit bilang ishwiming FOOL nga ng isang bonggang hotel, complicated pa ang pagrarangi-rangi. Kelangan by appointment. Bawal magdala ng tuwalya, kelangan bumili dun sa pool mismo. Ay, BITCH! Pambongga masyado! Walang powers ang magical bikini ni Chachi Goripanda!

Ayan, dahil dyan, umulan tuloy kinabukasan. At umuwi kami ng basa. Bonggang kabasaan. Bongga pa rin.

Awwww, so sad me. Mami-miss ko ang breakfast buffet at cable TV ng Sofitel. Pag-uwi ko, nagbasa ako ng PORN, kasi isang linggo na akong walang pahinga! Syet, what a way to relax. Tapos, bonggang tulog din ako hanggang dinner. Tapos bonggang tulog uli hanggang work.

Hahaha. So another week begins.

Wednesday, July 23, 2008

Shimerlah

Tang ina. Late ako fifteen minutes dahil WALANG JIP kaninang 330 ng umaga. Naiwan ko pa jacket ko, so ngatog to the max na naman ang drama ng ate mo.

The price of pagiging mayaman: kawalan ng tulog. Syet. Di pa lumalagpas ng five hours ang tulog ko since I started with the am shift (445am-2pm) and my part-time job. Muntik na nga akong maleyt ng gising kanina eh, buti na lang kinagat ako ako ng lamok. Pero destined talagang maleyt ako.

Ay hindi ko kasi natupad yung pledge ko na gagamit ako ng stairs pababa from our floor (33rd) nung pumasa ako ng training. Pakshet.

Gagamit na nga ako ngayon. Blue na blue na yung kuko ko.

Monday, July 21, 2008

Blind Game Again!

...かなりキレてるDoll いつまでも変わらない夜をぶち壊せ(insert more Gravitation lyrics)...

SYET, kasalukuyang sumasabog ang puso, atay at kidneys ko. Maglalaro sana ako ng Flash game nang biglang pumasok si BLANK sa opis.

BLANK: (kinda edited) OK, Sachi, tomorrow you have to call this...(insert more chuva here)...just ask Katie about this student...(insert insert)...OK? Tomorrow, 7 am Korean time.

SACHI: This is a test call?

BLANK: No, not test call. Class. (insert insert insert)...I BELIEVE IN YOU (with matching hand action)

Ang galing ng pep talk niya. ^_^

YAK, ANG PATETIK MEEJ! Walang dapat makaalam ng Multiply account ko. Hahahaha.

Muli, ang nakakakilala kay BLANK, ngiti na lang and say, "HEY YO WASSUP YO!!!!"

(Wow, the fact that I was given my first ever student was totally ignored. Oh well.)

Kala ko hindi na mangyayari (blind item challenge)

Pinuntahan ako ng mga ______ kasi kailangang mag-register sa company website namin. Go lang, I love forms.

Biglang nag-error nung isu-submit ko na. Eh di sinabi ko kay Ms. ______ na susubukan ko uli. Sinubukan ko naman. Ayaw talaga, parang tinatanga ako (ME: PAKYUU, SYSTEM, ALAM KO NA YAN, BITCH SHITSTEM!). So pm ako uli. So sabi ni Ms. ______ na pupunta daw si BLANK sa station ko.

Hyperventilate Round One.

Sige lang, subok pa rin. Refresh. Ayaw. New Tab. Ayaw. New Window. Ayaw. Close ebriting but. AYAW TALAGA, PAKSHYSTEM!

Biglang pumasok si BLANK, tapos explain evarrr naman ako. Hmmm. Check niya computer ko. Lapit ka lang, go. Sige, hawakan mo lang yang mouse ko. Go lang. Hindi (pa) kita kakainin.

I love you, system. Magloko ka pang loko ka.

Hyperventilate Round Two.

Sabi ni BLANK, try ko daw uli. Go lang. Labas siya.

Para sure: close ebriting, sign out, refresh CHUVAAAAHHHH.

AYAW TALAGA.

So, ang pini-m ko ay si BLANK. Walang reply. Subok pa rin register me. Malapit na ako matapos, bigla siyang pumasok, lalapit na sana, pero nakitang hindi pa ako tapos.

BLANK: OK, you finish first. *goofy smile*

Hyperventilate Round Three.

JUS OREN, EPAL, at lahat pa ng JUS na alam mo. He was looking over moi. JUSto ko na sanang bagalan ang pag-type, bilang may excuse naman dahil NASA ULO KO ANG ERKON at BLUE NA ANG KUKO KO. But no!!!! Wag pa-obvious, day. Itago mo yung puso, atay, at bituka mong nalaglag na sa ilalim ng desk. So, in ten seconds, peeneesh me.

AND I HATE YOU NA PAKSHYSTEM KASI BIGLA KANG NAG-AYOS.

Tapos biglang "Operation Aborted". Parehong-pareho at sabay na sabay pa kaming nag-react.

Hyperventilate Round Four.

Pero sabi niya OK. Eh di OK na rin, tenks, byee, AILABYUUU.

Wish.

Day Two

Hahahaha. Belat, hindi ko naiwan jacket ko.

Tetengga na naman kami maghapon. Wala pang gagawin eh, praktis-praktis, ganyan. Sasamantalahin ko na na makapag-multiply na aker nang todo-todo. Hahahahahahahahahahahahahahahahahaha.

Amoy salmon hininga ko. Eeew. Nagsipilyo at mouthwash naman aker, at sobra-sobra pa sa tamang oras. Second lesson in life: Huwag kumain ng salmon sa date. Kaka-wapoys. Pati crab at lobster.

Hoy, loka, wala akong date. Sinasabi ko lang.

Kagabi, pauwi galing sa part-time ko (o dibs, raketera ampotz), Quiapo yung sinakyan ko na jeep galing Vito Cruz. Sa bandang Quirino, bumili ng kendi yung manong driver sa isang takatak manong.

MANONG D: Haba ng buhok mo ha, parang Dyesebel.

Bonggang-bongga.

Sunday, July 20, 2008

More Shit About My Job.

Naaalala ko sabi ko noon, ayoko talagang mag-call center. Nevar talaga. Mahal ko ang katawan ko. Mahal ko ang natitirang bahagi ng utak ko na hindi pa naaagnas.

But no, I'm working sa call center ngayon. True, online teaching chepar siya, but it's a call center nonetheless.

Haha. Oh, man. First lesson in life: You can't always get what you want. Especially kung likas na tamad ka talaga.

My first day of work

NUMBER ONE: MALAMIIIIIIIG. As in kamura-murang lamig. Yung pupunta ka sa banyo every two minutes. Yung tipong nasa ulo mo yung erkon tapos wala kang jacket.

NUMBER TWO: Kumusta naman ang ma-late sa first day? At di lang basta late ha. Bonggang-bonggang late na isang oras. Kala ko kasi hindi ako nakapasa sa training. Tapos biglang nagtext yung co-trainee ko na pasado pala us TWENTY MINUTES BEFORE THE TIME WE'RE SUPPOSED TO REPORT.

Ay bongga, walang shampoo, shampoo. Hiram ng damit sa nanay kasi di nakapaglaba. At ang gaga, naiwan ang jacket kaya refer to number one.

NUMBER THREE: Free Internet. Hahaha. Wala pang filters. Syempre may delikadeza naman aker kaya hindi ako dito magdo-download ng porn. Duh. Wala pang masyadong ginagawa kaya go lang ng go. ^_^

NUMBER FOUR: Aba, ang unang evar task ay magsulat ng THIRTY diary entries with 6-7 sentences each. Bongga itu.

NUMBER FIVE: Di pa aker naglu-lunch. At dinner time na. Hadek!