CEBU CEBU CEBU IMPROMPTU TRIP!!!!!!

Ay grabe. First time ko flying alone, on PAL, sa Cebu. One-day trip lang ito, as in dating ko kaninang 9, tapos fly back to Manila ng 8pm. Sayang. Syempre work work work pa rin. O ito pic ko habang nagtatayp.

Pucha, na-video ako ng megamax ng ganyan hitsura ko. >.<
I'm with the people from UPMSI and Howard Hughes. Nagwo-workshop sila, at ako...tambay-slash-trabaho for the Marine Ethnoculinary Project. Nakakahiya, navideo ako tapos mukha akong tanga. Ang dami ko pang mali. Kinorek ako ni Sir Perry (na ninong ni Ma'm Mangahas sa kasal hehe at ka-org ni Sir Kiko sa MBS.) sa paggamit ko ng shellfish (crustaceans) dahil shells pala yun (mollusks). >.< Nadocument po yun. NG!!!!!!!
Speaking of NG, hahaha, may mga nakatutuwang pangyayari kanina habang iniinterview ko yung head chef nila before magluto.
1
CHEF BRENDO: Ginataang...(*isip ng Cebuano term*)shell.
VIDEO CREW: *tawa*
2
CHACHI: Ano po sa Cebuano ang clam?
CHEF: *isip* Klam...eh.
VIDEO CREW: *tawa*
Award ang video crew nila! They're from Sugarmountain Media at mga beterano ng AP at NBC. Shet. It was cool hanging out with them over lunch. Mga nice at maloko.
Haaaay...whirlwind ito. Dumating ako kaninang 9am, flight ko mamayang 8pm. Syet.
At OMG, may kakaibang nangyari sa amin kanina while I was in the taxi to NAIA. Nasa tulay kami along Aurora Blvd. Pasay tapos may motorcycle accident! As in wala pang rumeresponde. Nasa left side namin yung motorcyle na nakahambalang sa daan, tapos nasa right side ay may isang crumpled mass na suspiciously like a tao!!!!! OMO!!! Shocked ako, as in frozen for a few seconds, but our taxi went past lang. Tinry kong tumawag sa 117 from the taxi, subalit, wow, nagloloko na naman ang cellphone ko at black screen na naman siya. >.< Akala ng driver damit lang yung nakabalumbon dun sa daan, ako naman convinced na tao yun. Pagkadating ko ng airport, tumawag ako uli sa 117, tapos buhay na phone ko. Nireport ko na yung incident.
Ang dami nga palang Koreans dito. Kanina may nagpapatugtog ng Nobody ng Wondergirls. Yan tuloy LSS ko. This is so far from Cebu City, sayang dadaan sana ako ng CPILS. Kekeke.
Nakakainis lang naoverprice ako sa taxi. Kingina yan. Take note, sariling gastos ko ito. Nuff said.
Kumain ako ng Nasi Goreng for breakfast, pero hindi lasang nasi goreng ng Sabah yung Nasi goreng nila. But not bad.
Mamaya, iinterview ako ng cook dito tapos market trip. Tapos diretso na uwi.Susubukan ko magluto ng mga niluto kanina. Haaaay....
May nanonood sa akin as I type, kamukha siya ni David Archuleta. Tapos may isang waiter kamukha siya ni Park Hyo Shin nung mga Nun Ui Kkot days niya (pangit pa siya nun, super hot papa na siya ngayon in comparison). Kala ko may makakasakay akong Dong Bang Shin Ki, kasi mayroong isang guy sa NAIA sa kadamit ni Jaejoong *heartheart*, subalit American siya pagharap. *sigh* And I'm 100% sure na American yun kasi they were having a conversation about growing up there and all.
Field journal na ba ito?????
Sige out muna ako. Work work work.
0 What do you say about that?
Post a Comment
<< Home