Taxi etiquette
Nung isang linggo, papunta ako ng UP-MSI for a meeting at 3pm. Alas dos ang labas ng trabaho ko, at manggagaling pa ako ng Ortigas, kaya naisip kong mag MRT + taxi.
Wala naman akong naging problema sa taxi. Siningil ako nang maayos, pinag-seatbelt, di naman siguro nadaya sa pamasahe or sa daan. Pero may sinabi yung driver na medyo kakaiba.
MANONG: Madalas ka bang mag-taxi?
AKO: Ay, hindi po, nagdyi-dyip po ako. Nagmamadali lang po ako ngayon kaya ako nagtaxi.
MANONG: Aaaahhhh...kasi kadalasan, sa likod umuupo yung mga babaeng pasahero ko, eh.
Ako naman, kapag nagta-taxi mag-isa, sa harap ako umuupo kapag wala akong masyadong dala. Nung kasal ng tita ko at galing din akong opisina, sa likod ako umupo kasi ang dami kong dala. Gusto ko kasi sa harap umupo kasi may seatbelt, di madaling mabiktima ng Ipit Gang, di madaling mabiktima ng mga driver na medyo manyak at naninilip via rear-view mirror, madaling bumaba, may erkon, etc. In short, maraming perks.
Ito ang tanong ko: Saan nga ba ako dapat umupo pag nagtataxi? Pati nga ba sa pag-upo sa taxi, kailangan may gender politics involved? Hmmmmmm.....
OK, back to work.
0 What do you say about that?
Post a Comment
<< Home